1

World Sight Day

Ang ating mga mata ang pinaka-importante para sa mga rider, dahil ito ang kailangan nating para ligtas tayong makapag-motor sa kalsada. Kailangan matalas ang ating mata para agad na makita ang mga peligro sa daan at agad na maka-iwas.

Kaya naman isang matinding kalaban ng mga rider ang pagkasira ng mata, tulad ng astigmatism na simula ng paglabo ng paningin. Nababawasan ang bilis ng reaction ng rider at ang pagtantsya ng distansya sa mga kasabay na daan.

Mas matindi din ang epekto ng diperensya sa paningin sa gabi, kung saan ang malabong mata ang mas nahihirapan sa sinag mga mga ilaw, lalo na yung mga malalaka na bagong LED lights na tinatawag na HDIM. Kung ikaw ay may malabo paningin at walang salamin ang bawat arangkada mo ay tumataas ang risk mo sa disgrasya.

At ngayong World Sight Day, pinapayuhan namin ang mga rider na pangalagaan ang kanilang mga mata at regular magpatingin sa doctor. Wag hayaan na lumabo pa ang mga mata at mapagawa na ng salamin na may tamang lente para maging mas malinaw ang bawat biyahe.

Sa ganitong paraan masisiguro natin na ligtas ang bawat biyahe at makarating tayo sa ating pupuntahan ng walang aberya.

At ito na pinaka-importante sa lahat. Ride safe lagi, kaibigan.

#worldsightday

#motorcentral

#motorcentralkaibigan

#safety

#ridesafe

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn