Walang Forever

Totoong walang forever.

Lalo na pag usapan ay ang brake pads ng ating motor.

Kasunod sa mga gulong, ang brake pads ay isa sa mga piyesa ng motor na regular dapat na pinapalitan, dahil gamit na gamit ito sa tuwing gusto mong prumeno.

At syempre, dahil importanteng piyesa ito na may kinalaman sa kaligtasan natin sa motor, kailangan ay original na piyesa ang ating ipalit. Di uubra ang mga peke or low-quality, dahil kahit na mura ang mga ito, maaring bumigay ito kung kritikal na kailangan mo ang preno mo.

Ugaliing ipa-check ang brake pads ninyo sa inyong trusted na mekaniko. Sa motorcentral, relax ka lang kaibigan kasi kasama ito sa check list namin.

Kaya naman wag maging super loyal sa inyong brake pads, dahil maling pakikisama yan. Ikaw din, pag pudpud na yan, kusang bibitawan ka nyan. At siguradong masakit ang biglang iwan.

motosafe

walangforever

motorcentral

bikeworld

starhonda

brakepads

kaibigan

kaibigancommunity

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn