1

Wag kamote, maging responsable

Laman ng balita ngayon ang dalawang rider sa Zamboanga na sinuspinde ang lisensya dahilan sa pag drag-race sa kalsada. Bukod sa ito ay pinagbabawal sa batas-trapiko ng Pilipinas, lubhang mapanganib din ito sa rider at sa mga makakasalubong sa daan na pedestrian at kapwa motorista. At sa mga bagong update, mukhang balak na ng pamunuan ng LTO na bawiin ng tuluyan ang licensya ng dalawa habang-buhay kung mapatunayan sa imbestigasyon ang pagiging reckless nila na rider.

Ang sinampolang dalawang Zamboangenyong rider ay ilan lang sa mga rider na tinaguriang “kamote” ng madla, na walang respeto sa batas at hindi iniisip ang peligro na dinadala nila sa kanilang reckless na pagpatakbo ng motor. Nagkalat po sila hindi lang sa Zamboanga kundi sa lahat ng parte ng Pilipinas at sila ang sumisira sa imahe ng kabuuan ng mga responsible rider na sumusunod sa mga patakaran at batas.

Ang totoo, ang mga “kamoteng” ito ay bunga lang sa kakulangan ng kaalaman sa tamang pamamaraan ng pagmomotor at mga batas trapiko. Kadalasan hindi sila dumaan sa pormal na training sa pagmomotor at natuto lang mag-isa o sa maling titser.

Pero pwede pa naman maagapan ito, kung tayo-tayo ay magiging tunay na kaibigan at pagtutulungan nating turuan ang mga kapwa rider upang mabawasan ang mga kamote sa daan sa mga sumusunod na pamamaraan.

  1. Maging Gabay – kung meron tayong kapatid, kamag-anak o kaibigan na ganito mag maneho, payuhan natin at ituwid natin ang kaalaman nila. Turuan natin sila ng tamang stilo sa pag-ride at ipakita natin ang dapat na asal sa kalsada. Kung meron tayong makilala na mga reckless na kamote rider, wag natin sila palakpakan o udyokan sa pagiging barubal nila sa daan. Bagkus, pagsabihan natin sila at ipaalam sa kanila na ang kanilang ginagawa ay pwedeng maka-disgraya ng iba pang tao sa kalsada.
  2. Maging Bantay – ang kasalanan ng isang rider ay nagiging kasalanan ng lahat ng rider sa mata ng publiko. Kaya para mawala ang mga kamote riders, wag lang nating i-asa sa otoridad ang pag bantay sa kalsada, tumulong din tayo. Ipaalam natin sa mga pulis ang lugar na palaging ginaganapan ng mga drag-race. Kung kaya, i-dokumento natin ang mga paglabag at ipa-abot sa mga kinauukulan. Kung sila ay mawalan ng licensya, isipin na lang natin na niligtas natin sila sa maaring maging kapahamakan nila sa kinakaharap.
  3. Maging Aktibo – sumulat sa mga mambabatas at ipa-alam ng mga pagkukulang sa batas trapiko. Pero wag lang magbatikos lagi, magbigay din ng mga makabuluhang suhestyon, nang sa ganon ay mas maisasaayos ang batas trapiko para sa lahat ng motorista – naka kotse man o motor.
  4. Maging Bukas Ang Isip – sa pagpuna sa mga batas, wag tumuligsa agad lalo na sa mga bagong panukala. Pag-aralan muna ng mabuti at tignan kung ano epekto nito sa pangkalahatan. Minsan kasi kinaugalian na nating kumontra dahil ayaw lang natin mabago ang nakasanayan. Wag ganon. Subukan muna at pag-aralan bago maghayag ng saloobin. Malay natin epektib pala ang bagong patakaran, tayong lahat ang makikinabang.
  5. Maging Isang Motorcentral “Ride Safe” Rider – ang gusto lagi namin ay maging ligtas tayo lahat, kaibigan. Kaya naman sana isa puso nating lahat ang mentalidad ng Safety sa bawat biyahe natin – sa pananamit, sa pag maneho at sa pag iisip. I-waglit na natin ang “utak kamote” at palitan ng “ride safe” lagi. Dahil ang kaligtasan natin ay nakasalalay sa ating mga kamay. At yan ang totoo, kaibigan.

Ride safe lahat kayo, mga kaibigan.

#ridesafe

#motorcentral

#MotorcentralKaibigan

#responsiblerider

#resingresing

#kamote

#kamoterider

#batastrapiko

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn