1

Tire Pressure

Hindi ito nakikita pero ito ay nararamdaman, at higit sa lahat nakakatulong ito sa pag takbo ng motor at pag alaga ng inyong mga gulong.

Sirit?

Ang sagot ay: Tire pressure!

Bakit ito importante? Dahil kung wala ito, tiyak na magtutulak kayo ng motor ninyo.

Ang tamang tire pressure ay malaki ang naitutulong sa bawat biyahe ng ating mga motor. Sinisigurado nito ang tamang kapit ng mga gulong sa kalye sa tuwing aarangkada at prepreno.

Tamang tire pressure din ang binabantayan upang pangalagaan ang buhay ng goma ng ating mga gulong.

Kung ang gulong mo ay designed para may interior, wag mo na ipilit na gawing tubeless dahil hindi designed ang rim nyo sa ganito at maaring pag mulan ng singaw.

Kaya naman bago umandar, ugaliing inspeksyonin ang gulong. Huwag umasa lang sa tingin o pisil ng gulong para ma-check kung sapat na ang air pressure. Gumamit ng tire pressure gauge para sigurado kang hindi lumabis o kulang ang laman na hangin sa ating mga gulong.

Silipin din ang gulong at tignan kung baka may naipit na maliliit na pako o piraso ng bakal na maaring tumusok at bumutas sa goma ng gulong. Ugaliin ding ipatingin sa vulcanizing shop pag napansin ninyo na mabilis mawala sa tamang tire pressure ang iyong gulong.

Sa tamang tire pressure lang, pwede mo na masiguro na sa bawat biyahe mo, laging ride safe ka, kaibigan.

#motorcenralkaibigan

#motorcentral

#RideSafe

#Tirepressure

#Legit

#safety

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn