Rider Vlogger

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Thelma ay dating BPO professional na lumipat ng propesyon nung simula ng Covid. Dahil sa hangad na kumalap ng impormasyon tungkol sa mga response ng gobyerno sa pandemic, si Thelma ay naging aktibo bilang isang social media vlogger.

Gamit ang perang naipon, bumili si Thelma ng mga kagamitang pang vlog at kumuha din sya ng hulugang scooter para mas mabilis sya makaikot sa lungsod para makakuha ng mga report at footage tungkol sa Covid.

Dahil sa sipag at tyaga nya sa pag report ng mga facts, napalaki ni Thelma ang kanyang mga followers at nag simula na sya kumita sa kanyang Facebook at Youtube channel.

Di naglaon, pinasok na rin ni Thelma ang coverage sa election campaign na mga namamayagpag na kandidato para sa Philippine Elections 2022. Marahil ay nakita nyo sya, buong tapang na sumasabay sa mga caravan gamit ang kanyang scooter.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

motorcentralkaibigan

motorcentral

asensadokakaibigan

motoasensado

motonegosyo

Kabuhayan

Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn