1

Paano Ba Kumita Gamit Ang Motor?

The Motorcentral Negosyo Series

Ang panahon ng pandemia ang isang challenging period sa ating buhay na sumubok sa katatagan nating pinansyal at kalusugan.

Madami ang naka experience ng mawalan na trabahong inaasahan dahil sa pag sirado ng maraming industriya. Marami ang na depress dahil dito, pero meron din namang mga masinop at ma-abilidad na tinanggap ang pagsubok na ito at gumawa ng paraan upang makaangat.

Dito nagsimula ang pagusbong ng mga businesses na tatawagin nating “moto-negosyo.”

Ano nga ba ang moto-negosyo? Ito ang mga negosyo at kabuhayan na lumitaw at lumakas nung panahon ng pandemia.

Nandyan na yung mga food business, online selling, delivery services, pick up services na gamit ang mga ibat-ibang modelo ng motor.

Ang mga moto-negosyong ito ang sumasagot sa katanungang: pano ba kumita gamit ang aking motor?

At as pamamagitan ng Motorcentral Negosyo Series, isang FB live show na pinapalabas sa Facebook kada dalawang linggo, itinuturo ng mga negosyo expert na bisita ng Motorcentral kung papano sisimulang ang mga iba-ibang negosyong matipuhan ninyo.

“Ang pandemia ang nabukas sa panahon ng pagiging entrepreneur sa Pilipinas. Dahil sirado ang mga mall at mga fastfood, kasama na rin ng mga ibat-ibang malalaking negosyo, nagkaroon ng chance na lumaban at lumago ang mga bago at maliliit na negosyo,” sabi ni Gene Lopez, Motorcentral Marketing Manager.

Pinaliwanag ni Mr. Lopez na sa pamamagitan ng Motorcentral Negosyo Series ay matuturuan ng libre ang mga taong interesado na pwede nila pagkakitaan ang motor nila at magsimula ng negosyo kahit na maliit lang ang puhunan. At ang mga nagtuturo ay mga kapwa moto-entrepreneur rin na naging successful at nais na ipaalam sa lahat ang kanilang mga teknik sa pagnenegosyo.

“Literal na pagugulungin natin ang inyong pera upang lalong maging successful ang inyong negosyo,” dagdag ni Mr. Lopez.

Ang Motorcentral Negosyo Series ay naka stream live sa Facebook page ng Motorcentral kada dalawa ang hangang tatlong linggo, Hosted by Motorcentral’s very own Pep and featuring a lineup of interesting entrepreneurs, siguradong maeenganyo ka na mag follow sa Motorcentral FB page at maging parte na rin ng Motorcentral Kaibigan Community.

On schedule are the Jayna Rolling Store, Shells and Tails, Pearl Water, Amberkrambol at isang Sisig cart, all happening this June to July.

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn