1

PAALALANG KAIBIGAN – Kailangan na ba i-Check ang motor mo?

Ngayong panahon na ito kung saan ang pampublikong transportasyon ay pinahinto ng ating local na pamahalaan dahil sa Enhanced Community Quarantine o ECQ, ang ating tanging sandigan upang makarating sa ating paroroonan ay ang ating Kaibigang motor. Kung kaya’t ito’y dapat nating pangalagaan at siguraduhing nasa kondisyon ang ating motor. Ito ang mga ilang tips para sa inyo Kaibigan.

  1. Panatilihing malinis ang ating motor – Sa inyong paglilinis ay mapapansin ninyo ang mga bagay na kailangan higpitan at mga tulo na di nakikita dahil  sa dumi o grasa na nakakapit. Magandang exercise na din ito para sa ating katawan.
  2. Ikutan at inspeksyunin ang inyong motor – Tignan mabuti ang inyong makina.  Hanapin kung may tulo ang ating coolant or langis ng makina. I- Test lahat ng moving parts gaya ng kick stand pivot, swing arm, suspension linkages na kadalasan ay di nabibigyang pansin. Mga bushing at bearing na maaring kailangan na ng kapalit.  Paandarin sandali ang ating motor at i-test ang headlights, turn lights at busina upang malaman kung mahina na ang ating baterya..
  3. Tignan ang ating Gulong. Importante ang ating gulong, ito ay inaasahan nating kumapit ng maayos sa daan lalo na sa pagliko ng ating motor.  Kung ang iyong motor ay ginagamit mo sa pang araw araw na transportasyon. Mainam na suriin ito para sa mga sira o pudpod nito. Maaring mababaw na ang groove ng inyong gulong, kadalasan sa gitna ito makikita.  Hawakan at alugin ang inyong gulong para malaman kung maluwag ito at kailangan nang higpitan ito. Mabuti nang alam ninyo ang kundisyon nito para sa inyong kaligtasan.
  4. Chain or Drive belt. Maaring may sira ang inyong drive chain or pagluwag nito dahil sa kalumaan o sira sa inyong sprocket.  Sa drive belt naman (kung ito ay natatanaw), hanapin  kung may sira at baka kailangan nang palitan.
  5. Brakes check. I check ang ating break pads at rotors kung may “warping” ito.  Tignan ang ating rotor baka may crack na ito. Inspeksyunin ang break lines para sa butas or sira. Tignan ang brake fluid kung ito ay sapat pa.Kung kayo ay di sigurado sa ibang aspeto ng maintenance ng inyong motorsiklo. Andito ang inyong kaibigan lingkod na si Motorcentral. Ang aming mga mekaniko ay siguradong well trained ng mga manufacturer at maalagaan ng maayos ang anumang kailangan na pagkukumpuni ng inyong motor. Maaring magpunta sa pinaka malapit na Motorcentral, Star Honda or Bikeworld outlet pagnatapos ang community quarantine. Maasahan ninyo ang aming serbisyo, dahil sa Motorcentral alaga ka namin Kaibigan.
Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn