1

Nagpa-Change Oil Ka Na Ba?

Kung isa kang beteranong motorista, alam na alam mo na ang statement na change oil. Ito ang pinaka basic na paraan upang mapatagal at maalagaan ang buhay ng inyong motor.

Pero ang tanong ng mga bagong rider, kailangan ba talaga ang pag change oil?

Ang sagot ay isang malakas na: Oo!

Dahil ang langis sa motor ay parang dugo sa tao – essential ito sa performance.

Ang langis ang pangunahing naglulubricate sa mga luob-luoban ng makina. Pinadudulas nito ang mga parts tulad ng gear, piston at iba pa na palagiang gumagalaw para paandarin ang motor. Dahil gawa sa bakal ang karamihan sa lamang luob ng makina, palagi itong nagkakaskasan. Kung kulang sa langis, mabilis itong iinit at maaring mapudpud ang mga parteng nagdidikit. Pag minalasmalas pa ay pwede pang maging sanhi nito ang pagliyab at pagkasunog ng makina.

So bakit change oil? Di ba dapat dagdagan na lang paminsan minsan?

Ang langis ay nagiging madumi din at lumalapot sa katagalan. At dahil kumakapit dito ang mga dumi na nakakapasok sa makina, kailangan itong regular na palitan ng bagong langis.

Hindi rin pwede basta basta ang pag change oil. Dapat alam mo ang tamang dami ng langis na kailangan sa particular na motor. Di pwede kulang at di pwede sobra. Kung hindi mo naman kabisado, sa service center ng Motorcentral mo dalhin para sigurado ka, hindi ka pa maaabala.

Kaya sa susunod na ipaandar mo ang motor mo, isipin mo muna, kailan ka ba last nagpa change oil. If hindi mo matandaan, mas mainam na dalhin mo na agad sa trusted Motorcentral mekanik. At gawin mo itong regular na bisita.

Sa tamang alaga ng change oil, siguradong top performance at ride safe ka lagi, kaibigan.

#motorcentral

#motorcenralkaibigan

#RideSafe

#Changeoil

#Legit

#safety

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn