Motoasensado si Sam

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Sam ay dati pang madiskarte sa negosyo. Simula sa pagka-bata, maliliit na negosyo ang kanyang pinapasok at pinalalago. Pero sinubukan ang kanyang diskarte nung tumama ang Covid.

Dahil isa sa kanyang pinaka-malakas na negosyo ay ang food kart nya ng streetfood. Kadalasan ay pumepwesto sya sa tapat ng skwelahan o building ng opisina para dun maglako ng streetfood nya.

Pero dahil nga sa mga nangyaring lockdown, naglaho ang mga customer ni Sam at naging matumal ang kanyang negosyo. At kahit na lumuwag na ang mga Nung una nalugmok si Sam sa sitwasyon, pero dahil likas sa kanya ang pagiging madiskarte, umisip sya ng ibang paraan.

Gamit ang naipong puhunan, bumili si Sam ng tri-wheeler na motor at inayos ang likod nito para maging foodcart. At gamit nag motor-foodcart, umikot sya sa mga subdivision upang ilako ang kanyang panindang streetfood.

Dito nya ulit na diskubre ang mga dati nyang suki, mga empleyadong naka work-from-home at mga estudyanteng naka online-learning. At dahil mabilis syang makalipat-lipat ng pwesto gamit ang moto-foodcard, mas dumami pa ang kanyang mga suki at mas lumaki pa ang kanyang negosyo.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

motorcentralkaibigan

motorcentral

asensadokakaibigan

motonegosyo

Kabuhayan

Kaibigan

motoasensado

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn