Motoasensado si Ronnie Rider

Moto-Negosyo
ni Ronnie Rider

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Ronnie ay isang call center agent na kakapasok lang sa trabaho nung 2019. Dahil malakas ang kita at dahil na rin sa kagustuhang makaiwas sa trapik sa Metro Manila, kumuha sya ng bagong hulugang motor.

Sa kasamaang palad, sa sunod na taon, dumating ang pandemia at isa si ronnie sa mga na unang na retrench dahil sa hirap na ang opisina nila.

Dahil wala na syang pagkakakitaan, mabilis na nag isip si Ronnie ng pwedeng ipamalit sa naglaho nyang kita. And kanyang naisip – mag apply bilang isang delivery rider sa isang courier company.

At yun na nga, dahil sa may motor sya, mabilis syang na approve sa application at nakapag trabaho sa delivery company. Nagsimula na syang kumita ulit.

Sa abilidad at diskarte ni Ronnie, mas nahigitan pa ni Ronnie ang sinusweldo nya dati. At kahit na nag simula na ang pagnumbalik ng economiya, mas pinili ni Ronnie na ipagpatuloy na lang ang pinagkakakitaan nya. At sa wari nya ay mas enjoy pa sya dahil ang pag ride ay isa sa mga passion nya.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

motorcentralkaibigan

motorcentral

asensadokakaibigan

motonegosyo

Kabuhayan

Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn