Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.
Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.
Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.
Si Olive ay isang mahilig magnegosyo, dati pa man. Pero nung tumama yung Covid, nagkaroon sya ng kakaibang sitwasyon kung saan yung abilidad nya magbenta ang naging susi ng tagumpay.
Dahil nagkaroon ng mga lockdown at dahil din sa takot sa virus, mas maraming tao ang mas pinipili na lang ang mag online shopping na lang. At ito ang ginamit ni Olive upang masimulan ang online selling business.
Nung una, pinadaan nya sa mga courier ang pag pick up ng mga order nyang mga sapatos at damit ng mga supplier nya. At pag onhand na nya, agad nya itong ibinibida sa Live Selling sessions nya sa FB.
Pero nung mas lumuwag ang mga restriction, naisipan ni Olive na bumili ng sariling motor para sya na lang ang magpickup ng mga paninda sa mga supplier. Nabawasa ang gastos nya sa mga courier, kaya mas lumaki ang kita nya.
Ngayon, nagpatulong na si Olive sa mga kapatid nya, para mamili at para mag alok online ng mga paninda nila. Bumili sya ng isa pang motor, para gawing pang pickup and delivery. At tuloy tuloy lang sila sa pagbebenta sa new normal.
Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.
Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.
Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.
Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.