Motoasensado si Nino

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Nino ay lumaki na may pusong entrepreneur. Kahit na nung nagaaral pa sya, mas panaginip nya na magka-negosyo keysa mamasukan sa trabaho. Kaya naman nung nakagradweyt, nag apply sya sa isang trabaho pero ang target nya ay hindi magpa-promote kundi para makapag ipon ng pang capital.

At yun na nga nangyari, patapos na ang 2019, nagpasya na si Nino na mag resign na sa trabaho at itayo na ang kanyang negosyo. Ang pinili nya, water refilling station. Gamit ang pondo nya, na set up nya ang negosyo, at bumili pa sya ng isang tri-wheeler para gamitin sa pang deliver.

Pero pag pasok ng 2020, tumama ang Covid at karamihan ng mga negosyo ay nalugmok. Pero hindi nabahali si Ronnie dahil sadyang pinili nyang negosyo ay essential. Hindi mabubuhay ang mga tao na walang tubig na maiinom.

At dahil sa kanyang foresight at entrepreneurial spirit, naitaguyod nya ang kanyang negosyo habang namayagpag ang pandemic. Dahil maingat sya sa protocol at laging sanitized ang kanyang mga gallon, pinagtiwalaan sya ng mga customer at lagi syang nirerefer sa mga kakilala. Dumami ang mga regular nyang suki at mas lumakas ang kita nya.

Ngayong medyo lumuwag na ang mga restriction, nag pundar si Nino ng pangalawang pwesto. Ganon pa rin ang kanyang diskarte, isang water refilling station na may tri-wheeler deliver. Doble kita nya nang hindi na namamasukan pa sa iba.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

motorcentralkaibigan

motorcentral

asensadokakaibigan

motonegosyo

Kabuhayan

Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn