Moto-asensado LPG deliver

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Gerry ay isang factory worker na matagal na inaasam na magsimula ng negosyo. Katunayan, panay ang ipon nilang mag-asawa sa kanilang mga sweldo upang maka-likom ng perang pang puhunan.

Nung tumama ang Covid, nag sara ang mga pinagtratrabahuan ni Gerry at ng kanyang asawa at parehas silang nawalan ng trabaho. Kaya naman nung una lubos na kinalungkot ni Gerry ang sinapit. Dun naman siya kinausap ng kanyang asawa at pinamulat sa sitwasyon – na ito na marahil ang oras para sila ay mag negosyo.

Kaya naman nilabas nilang mag-asawa ang ipon at pinantayo ng negosyong LPG dealership. Sa pananaw ni Gerry, kahit na may pandemia, ang mga kapitbahay ay mangangailangan pa rin ng gas para sa kanilang mga kalan, kaya hindi sya mauubusan ng customer.

At yun na nga, tinayo nila ang negosyo at dahil sa mga kakilala at sa Facebook, dumami ang mga naging suki nila. Mabilis din si Gerry kumilos sa pag deliver at pag kabit ng tangke sa mga customer.

Di naglaon, namuhunan ang dalawa sa isang motor na may sidecar, para mas mabilis si Gerry maka deliver at maka ikot – dahil may dala na syang stocks.

Ngayong medyo lumuwag na ang mga restrictions at bumukas na ang mga ilang pabrika, di na ulit nag apply ang mag-asawa. Nanatili sila sa kanilang negosyo – kung saan hawak nila ang oras nila at sarili nila ang kita.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motoasensado

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn