1

Loud Pipes or Not

Marami ng taong lumilipas, hindi pa rin natatapos ang debate – kung ligtas ba ang maingay na pipes sa motor. Sino ba ang mali, sino ba ang tama?

May mga paksyon na sinasabi na malaki ang naitutulong ng maingay na tambutso para sa mga riders dahil mas mapapansin sila ng mga drayber ng mga kotse, jeep at trak. Mas maririnig silang paparating, kaya naman mas makakaiwas ang mga ito sa rider sa tabi nila.

May mga paksyon naman na ipinaglalaban na salot ang mga modified muffler dahil sa pagbulabog nito sa mga nadadaanang kalsada. Sinasabi din nila na nakakapinsala ang ingay nito sa mga teynga ng publiko at ng mismong rider.

At nandyan din ang mga alagad ng gobyerno, na syang nagpapatupad ng batas trapiko at unang umuusig sa mga tinatawag na “modified pipes” na sinasabi nilang pinagbabawal. Katunayan, sa lungsod ng Maynila, nilagdaan na ang malinaw na batas laban sa mga motor na may maingay na muffler. Tiket at multa ang katapat sa mga lalabag.

Sa usaping ito, marahil ang pinaka “ride safe” na pananaw ay yung sumunod na lang sa tinakda ng gobyerno ngunit ipaglaban ang katuwiran sa mga mambabatas. Dapat makipag-diyalogo at makipag-ugnayan sa mga taga-lagda ng batas, mapa lokal or national na gobyerno, upang maibago sa tamang paraan ang batas.

Pero kung payagan nga o hindi ang loud pipes, isa lang ang masasabi namin. Laging maging alerto sa bawat ride, mag-ingat sa arangkada at siguraduhing laging ride safe ka, kaibigan.

#motorcentral

#motorcenralkaibigan

#RideSafe

#Stockpipes

#Loudpipes

#Legit

#safety

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn