Long Ride Ready Ka Na Ba?

Ngayong Semana Santa, siguraduhing ligtas ang inyong paglalakbay sa pamamagitan ng dalawang bagay: preventive maintenance service at pagdadasal.

Ang preventive maintenance service or PMS ay ang kumpletong pag check sa mga piyesa ng inyong motor upang mahanda ito sa binabalak nating long ride sa pagdating ng holiday.

Kung hindi marunong sa pag check at pag kumpuni ng motor, mag mainam na dalhin ito sa pinaka-malapit na 3S shops ng Motorcentral, Bikeworld at Starhonda. Dito, mga trained at bihasang mga mekaniko ang siyang magche-check at mag handa sa motor mo upang masiguro ang biyahe mo.

At syempre, bago tumulak sa inyong ride, ugaling magdasal para kaligtasan mo at ng angkas mo, pati na rin sa ibang motoristang makakasalubong sa daan.

Tandaan, ang pagiging handa sa ano mang sakuna ay isang taktak ng beteranong rider.

At kung sakaling may masalubong na rider na nagkaproblema sa kalsada, tumigil at i-alok ang ano mang tulong na maibibigay. Yan naman ang tunay na tatak ng isang Kaibigang rider.

Ride safe, mga kaibigan!

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn