Kumikitang Kabuhayan ni Edna

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Edna ay likas na entrepreneur at ang pag nenegosyo ay dumadaloy sa kanyang dugo. Nung kanyang kabataan madali nyang napapalago ang kahit na gano ka liit na puhunan sa pamamagitan ng maliit negosyo tulad ng kakanin o meryenda.

Nung tumama ang pandemic, si Edna at ang kanyang asawa ay nawalan ng trabaho nung nag sirado ang pabrika na pinagtratrabahuan nila dahil sa Covid. Pero nung mga panahong iyon di nabahala si Edna dahil kahit papano may nasimulan na silang mag-asawa ipon para sa balak nyang negosyo na sari-sari store.

Pero dahil hindi pa sapat ang ipong pera para itayo ang balak na negosyo, ibinaling ni Edna nag ideya na mag focus muna sa pagtitinda ng itlog. Ginamit nya ang perang naipon para bumili ng bulto sa isang wholesaler ng itlog. At syempre tandem sila ng asawa sa bagong egg business – sya taga hanap ng kliyente at asawa nya taga deliver.

At dahil takot mag silabas ang mga tao nung kasagsagan ng pandemic, kinontra agad ni Edna sila ng linguhang delivery ng itlog. At dahil naging maagap at mabilis ang delivery ng mag-asawa, dumami ang kanilang suki at syempre ang kita.

Nung napansin ni Edna na hindi na kaya ang pag deliver ng itlog gamit ang bisikleta, nagplano ang mag-asawa na kumuha ng mas murang old stock ng motorsiklo sa installment plan ng Motorcentral. Pinakabitan nila ng cargo box para mas madaling maghakot ng itlog.

Di naglaon, mas lumago pa ang business ni Edna. Sa katunayan, sya na ang ginawang bagsakan ng mga itlog ng kinaibigan nyang wholesaler at sya na ang naging reseller sa mga tindahan sa lugar nila.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

motorcentralkaibigan

motorcentral

asensadokakaibigan

motoasensado

motonegosyo

Kabuhayan

Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn