Kakaibang Community ito, Kaibigan!

Lahat tayong mga rider may nasasalihang grupo o club. Kadalasan ka parehas na model at brand ng motor ang mga kasama natin. Masaya at maraming nakikilala, pero pag nag iba ka na ng motor, biglang kalimutan na. Sayang, diba?

Pero sa Motorcentral, may isang bago at kakaibang Community na nagkakaisa hindi lang sa brand ng motor, kundi sa Motorcentral mismo. Ito ang Motorcentral Kaibigan Community.

Isang kakaibang club ito, dahil hindi lang ito barkadahang pang motor, madami ka ding ma eenjoy na perks and privileges, kaibigan. Tulad ng auto join sa mga exclusive events like motorshows, tambike gatherings and, soon, sponsored rides!

Meron ding mga raffle draws and special online contests na exclusive lang for Community Members. And may aabangan ka ding free coupons and referral program para walang tigil na benepisyong kaibigan. Syempre meron ding community page para sa balitaktakan, feedback, comments, surveys, poll questions and pag connect sa iba pang bike owners na bumili sa Motorcentral.

Exciting diba? Ano, game?

Kitakits na lang sa FB mga bros and sis.

#Motorcentral

#Kaibigan

#Community

Share with your friends