1

Iwas Aberya Tips

Ngayong panahon ng tag-ulan ay laging napuputikan ang ating mga motor.

At natural na sa atin na i-bike wash ang ating mga motor para hindi manigas ang dumi at putik na naiipon nito sa kalsada. Gamit ang sabon at high-pressure washer ay natatangal ang nakakapit na dumi upang mabalik ulit ang natural na alindog ng ating mga ride.

Pero meron tayong madalas na makalimutan na nagiging sanhi ng aberya sa daan. Dahil sa ating pagnanais na kuminang ang ating mga motor, meron tayong natatanggal na importanteng bagay sa ating mga motor tuwing tayo ay nagba-bike wash.

At ito ay ang lubrication na bumabalot sa ating mga kadena at mga bearings.

Dahil gumagamit tayo ng sabon tulad ng car shampoo at iba pang mga produktong pang-linis, ang grasa na siyang nagproprotekta sa ating mga kadena at bearing ay nalulusaw at naaalis kasabay ng sabon at tubig.

At kapag nangyari ito, madali nang kapitan ng kalawan ang mga links ng kadena at mga bulitas na bakal sa luob ng ating bearing. Dahil wala nang lubrication, nagiging maganit na rin ito at mas mabilis na mapudpud sa bawat galaw ng motor.

Kalaunan napipigtas ang mga kadena at nababasag ang mga bulitas ng mga bearing na magiging sanhi ng pagka-bike down mo.

Kaya kaibigan, ugaliing inspeksyonin ang mga kadena at bearing ng inyong motor. Pansinin ang “play” nito kung parang makunat or mahigpit na keysa dati. Gumamit ng lubricant spray or legit na grasa upang malagyan ulit ng ” lubricating coat” ang mga piyesa na ito.

Pang napansin ninyo na hindi pa rin gaanong nag improve, dahli nyo na agad sa pinaka malapit na Motorcentral Service Center. Ang mga expertly trained mechanic namin ang bahala tumingin kung kelangan na itong palitan o dagdagan lang ng lubrication.

Tandaan, ang inyong kaligtasan sa motor ay nakasalalay sa pagiging alerto sa mga maliliit na pagbabago sa performance ng inyong ride.

At syempre, nandito lang lagi ang Motorcentral para gumabay at umalalay sa inyo.

Ride safe lagi, kaibigan!

#ridesafe

#motorcentral

#MotorcentralKaibigan

#lubrication

#3SShops

#PMS

#PreventiveMaintenance

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn