Please don’t drink and ride!
October nanaman! Ibig sabihin eto nanaman ang taunang selebrasyon ng Oktoberfest, ang global holiday na na pinapagdiwang ang isa sa pinakapaboriting inumin ng mundo – ang beer.
Unang pinasikat ang Oktoberfest sa Germany at isa itong paligsahan ng lahat ng gumagawa ng beer sa buong mundo. Katunayan, isa sa mga tanyag na beer ng Pilipinas, ang San Miguel Beer, ay umani ng mga karangalan sa kalidad at lasa ng Pilipino brew.
Dito sa Pilipinas, ang beer ay isa sa mga paboritong inumin ng mga rider. Basta’t may okasyon, hindi nawawala ang beer sa mga umpukan. Yung nga lang, dapat medyo maging maingat sa paginom ng alcohol na ito, dahil kasabay ng saya, may dala din itong panganib sa mga rider – lalo na ngayong pandemic.
- Alcohol laban pandemic hindi yung iniinom.
Sinasabi sa media na ang alcohol ay isa sa pang laban sa pandemia. Pero ang alcohol na sinasabi ay yung klase na isopropyl at ethyl alcohol na pinapahid sa katawan para pang disinfect. Ang beer, kahit na may alcohol content, ay hindi mabisang pang disinfect. Wala maaasahan tulong sa beer pag dating sa laban sa virus.
- Pag may beer, may tambay.
Tradisyonal na sa mga Pilipino ang kinagawiang umpukan na may kasamang beer. Mapamayayaman o mahihirap, basta’t may beer, nagkakasama-sama ang malaking barkada para sa magdamag na inuman at kwentuhan. Pero sa panahon ngayon ng pandemia, ang ugaling ito ay hindi na rekomendado at pinagbabawalan na. Dahil pwede itong pagmulan ng hawaan ng nakamamatay na virus. Kaya payo ng mga autoridad, okay lang mag beer, basta’t ilan lang kayo at may tamang distansya.
- Don’t Drink and Ride
At ang pinaka huling payo, kapag rider ka, dont drink and ride. Bukod sa labag sa batas, ubod ng delikado sa sarili at iba ang mag ride ng lasing. Kung sa kotse nga hirap na ang mga lasing mag maneho, sa motor doble pa ang pahirap, dahil kumpromiso na agad ang balanse mo pag ikaw ay nakainom. Ang alcohol sa dugo ay nagpapabagal din ng reflexes at attention span na lubhang importante din sa pag momotor. Kaya kung may balak kang mag ride, makitulog ka na lang sa bahay na pag iinuman nyo. Wag makipagsapalaran sa epekto ng alak.
Tatlong payo ngayong Oktoberfest habang may global pandemia. I-celebrate ng ligtas ang holiday na ito. Gamitin lagi ang isip at wag padadala sa tawag ng alak basta-basta.
At tulad ng dati, ride safe lang lagi, kaibigan.