Ang pagiging laging handa ang dapat na attitude ng lahat ng riders. Dahil hindi mo alam kung ano ang maaabutan mong aberya sa kalsada.
Bakit ito importante?
Dahil kung ikaw bilang rider ay maingat sa pagmamaneho, meron ding iba na kamote kung magpatakbo ng kanilang mga motor. At sa ganitong sitwasyon, kadalasan meron kang madadaanan na disgrasya na kailangan lapatan ng agarang lunas o First Aid.
Dito pumapasok ang Rescue Mentality natin bilang isang rider. Hindi ka dapat maging meron o tagapagmasid lang pag may aksidente. Dapat handa ka magbigay ng First Aid sa mga kapwa rider.
Kaya naman magbaon lagi ng first aid kit na may lamang gauze bandage, adhesive strips, alcohol at bulak na pwedeng gamitin sa mga sugat. Dapat din may konting kaalaman ka sa pag linis at pag bandage ng mga galos, para mas maigi mong magampanan ang rescue mentality.
Bilang first responder sa pinangyarihan ng aksidente, responsibilidad mo ring tumawag sa mga emergency responders tulad ng mga pulis at EMT para mas lalong maligtas ang kapwa motorista.
Kaya ngayong linggo ng International First Aid Day, dapat isa-puso natin ang ating obligasyon sa sarili at kapwa rider ang pagiging unang taga-sagip sa oras ng disgrasya. Tayo-tayo ang mga magkakasama sa kalye, kaya tayo-tayo din ang dapat magtulungan.
Ride safe tayong lahat, mga kaibigan.