Fake VS Legit
San ka mas pabor, kaibigan?
Marahil nabalitaan na ninyo ang mga report na kumakalat ngayon sa mga naglipanang mga fake drivers license na pinopost sa Facebook. Ito po ay unang nireport ng mga MMDA enforcer at ni Col. Bong Nebrija sa mga nahuhuling mga motorcycle rider at mga four-wheel drivers sa lansangan.
Ang mga palusot na binabanggit ng mga nahuli ay ipinalakad daw kasi nila ito gamit ang mga nagpopost ng tagalakad daw ng lisensya sa FB. Karamihan pa dito ay mga menor de edad o mas malala, mga hindi pa marurunong sa mga batas trapiko.
Kaya naman naglipana ang mga tinatawag na mga “kamote” sa daan na itinuturong mga pangunahing dahilan ng aksidente at disgrasya sa kalye.
Parehas din yan ng mga fake motorcycle parts, na akala ng iba mas mura pero bagsak naman ang kalidad. Possibleng pagmulan din ng pagkasira ng motor habang tumatakbo na pwedeng maging dahilan ng aksidente.
Pero bakit nga ba pinapaburan ng ibang tao ang Fake? Mas nakalalamang ba sila? Ano ang totoo?
- Akala Nila Mas Mura – Karamihan sa mga tumatangkilik ng fake ay mga indibidwal na hindi nag research para alamin ang tunay na presyo ng binibili.
Sa usaping licensya, merong mga nabalitang nagbayad ng aabot sa 9 thousand pesos para sa pekeng lisensya. Ang di nila alam ay mas mura pa ang legit, yun nga lang dadaan ka sa proceso na medical testing at pag papakita ng mga legit na ID. Kailangan ka ding pumasa sa drivers test at magpakita ng personal.
Sa usaping parts naman, merong bumibili ng mga importanteng parts ng motor na mas mura pa sa 100 pesos. Kasi yun ang nirekomenda ng mekaniko sa gigilid na nagmamalaking expert pero wala namang training. At syempre, dahil hindi legit, mas mabilis itong masira – kaya magpapalit din agad. So ang inakala nilang mura, dalawang beses nilang bibilhin, kaya lumalabas minsan na mas mahal pa rin sa orig.
- Less Hassle Daw – Ang pagkuha nga naman ng orig na lisensya ay laging may pinagdadaanang proceso na ayaw pagdaanan ng iba. Mas gusto nila na iba ang naglalakad para sa kanila o di kaya i-under the table na lang ang transaction. Kaya kadalasan, sila ang biktima ng mga mapagsamatalang gumagawa ng fake ng lisensya.
Sa usapang parts naman, less hassle nga naman ang fake parts dahil madali itong makita sa mga nagbebenta ng mga parts. Di mo na kailangan pumunta sa tindahan ng orig, kung meron namang mura at peke sa malapit. Ang di lang nila iniisip, mas mahahassle sila sa huli kasi bibigay agad ang pekeng parts at sisirain pa ng ibang parts ng motor.
- Walang Ibang Na Aagrabyado – Kadalasan na palusot ng mga tumatangkilik ng peke ay wala namang ibang mapapahamak. Pero ang totoo, madami ang nadadamay at maraming ang apektado sa paggamit ng peke.
Yung mga may peke ng lisensya, kadalasan ay hindi aral sa mga batas trapiko at walang alam sa tamang asal sa kalsada. Kaya naman mataas ang risk ng aksidente tuwing sila ay nasa kalsada. At ang masakit ay pinapahamak din nila ang mga driver at rider na may legit na lisensya, na mas nalalapit sa disgrasya sa biyahe pag katabi ang mga “kamote” ng kalsada.
Yung mga gumagamit naman ng peke ang parts naman ay parang timebomb sa kalsada. Kahit kailan at kahit anong oras, pwedeng bumigay ang pekeng part. Okay sana kung habang nakapark dun lang masisira. Pero kadalasan habang umaandar, dun pa bibigay ang piyesa na pwedeng pagmula ng disgrasya na may nasasaktan o namamatay.
Wala talagang magandang kahihinatnan ang pagtangkilik ng peke. Sayang sa pera, sayang sa oras, magmumulta ka pa at malalapit ka pa sa disgraya.
Kaya payong kaibigan, dun ka na sa legit.
Para sa licensya, pumunta sa pinaka malapit na branch ng LTO. Ikaw na mismo ang sumabak sa proseso at kung di mo alam, sa mga unipormadong kawani ng LTO magtanong at wag sa fixer. Ipasa ang mga test at magbayad lang ng tama. Isang araw lang, tapos na ang kalbaryo mo, legit pa ang lisensya mo, kaibigan.
Para naman sa parts, pumunta sa pinaka malapit na branch ng Motorcentral, Bikeworld o Star Honda. Lumapit agad sa ating trained na sales personnel. Kung kailangan pa ng dagdag na kaalaman, pwedeng magtanong din sa aming mga expertly-trained mechanics. Orderin ang tamang piyesa at ipakabit na din mismo sa aming mga mekaniko. Isang araw lang, tapos na ang hassle mo. Kumpiyansa ka pa dahil legit parts na ang gamit mo, kaibigan.