1

Do A Tire Check Every Time

Sa bawat ride, ang pinaka-unang makakasiguro sa ating kaligtasan ay ang goma ng ating mga motor na kumakapit sa kalsada. Ito ang nagbibigay sa atin ng control sa pagtakbo at tumutulong din sa pag arangkada o paghinto.

Pero ito rin ang madalas natin kinakaligtaan i-check at palitan.

Ang gulong ng motor natin ay hindi immortal. Ito ay napupudpod din lalo na kung madalas nating gamitin ang motor o di kaya malalayo ang ating mga biyahe.

Kung ito ay pababayaan nating mapudpod at makalbo, tiyak na disgraya na ang ating inaantay. Dahil kung mababaw na ang thread ng goma, mawawalan ng kapit ang gulong sa kalsada. Mas madalas na rin itong madulas at mas mabilis kang mawalan ng control.

Kaya isang taimtim na payong kaibigan, wag mong pabayaan ang gulong mo. Wag mong tipirin ang iyong sarili dahil sa konting na save mo sa gulong ay buhay mo naman ang pwedeng kapalit.

Eto ang mga tips kung ano ang dapat mong bantayan at ano ang dapat mong gawin:

  1. Ugaliing i-check ang gulong at pansinin ang lalim ng mga threads. Ang threads ang nabibigay kapit sa gulong mo. Kung mukhang mababaw na ito, simulan mo na maghanap ng mabibiling bagong goma. Dahil kung sobrang babaw na nito, kahit hindi madulas ang kalye, tutumba ka pa rin.
  2. Kung may makita kang parang sinulid sa luob ng goma, wag mo na itakbo ang motor mo. Ang parang sinulid pinaka luoban na ng goma at lumilitaw lang ito kung halos ubos na ang goma mo. Ito ay sensyales na sobrang pudpod na ang gulong mo at maari na ito sumabog habang tumatakbo ka. Wag ka na mag-isip pa. Palitan na agad.
  3. Busisiin ang goma at tignan ang mga maliliit na lamat, gasgas o butas. Kadalasan normal ito. Ang bantayan mo ay mga butas na parang may laman na bakal, matalas na bato o bubog. Ang mga ito ay lumulubog sa bawat takbo at pwedeng bumutas sa gulog at interior mo. Kung hahayaan mo lang, wag ka na magugulat kung bigla ka na lang ma-flatan sa gitna ng biyahe. Kaya kung ayaw mo magtulak pa puntang vulcanizing shop, maglaan ng konting minuto para mag check bago ka tumakbo.

Ngayong panahon ng pandemia, mas importante sa shop na sigurado mo dadalhin ang motor mo para sa mga aftersales needs.

Para sa mga goma, makakatiyak ka nasa Motorcentral, tama para sa model ng motor mo,bago at legit ang gulong na ibibigay sayo. Trained mechanic din ang magkakabit, kaya wala kang kaba pag tanggal-kabit ng mga gulong mo.

Oh ano pa inaantay mo? Mag gulong check ka na. At kung kailangan na, tumawag agad sa Motorcentral para ma-ready na namin agad ang legit na pamalit.

At syempre tandaan. Para ride safe lagi, siguraduhing rubber side down ka lagi, kaibigan.

#MotorcentralKaibigan

#motorcentral

#Tiresafety

#MotorcentralAftersales

#3SShop

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn