Distansya Kaibigan

Distansya lang dapat kaibigan. Yan ang mga payo lagi ng mga matitinong driver at rider.

Pero meron pa ring iilan ng mas gustong lumapit sa kapahamakan. Tutok bamper ang style nila, parang mauubusan ng kalsada at ayaw magpasingit para hindi malamangan.

At itong ugaling ito ang laging mitsa ng disgrasya. Dahil sa hilig na mag tailgate, nawawalan tuloy ang rider na espasyo para mapatigil ang motor bago tumama.

Sa mga defensive techniques ng pagmamaneho at pagmomotor, dapat magbigay ng agwat na katumbas tatlong segundo ang sasakyan sa harap mo pag ang takbo mo ay 20kph. Mas taasan mo pa ng timing pag mas mabilis ka.

Bakit segundo at hindi distansya ang sukat?

Kasi, ang mga segundong nilaan mo ang siyang kakailanganin mo sa mga biglaang preno. Para sigurado kang preno mo lang at hindi ang katawan ng sasakyan sa harap mo ang magpapatigil sayo.

Iwas disgrasya, iwas perwisyo, iwas gastos. Makes sense diba.

Kaya sa susunod na nasa ride ka at may naningit at tumutok sa sasakyan sa harap mo, hayaan mo na lang. Parehas din naman kayo makakarating sa pupuntahan.

Ang importante ay motosafe ka, kaibigan.

motorcentral

bikeworld

starhonda

motorcentralkaibigancommunity

mmda

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn