Ang tamang pag gamit ng mga ilaw ng motor ang pwedeng maglayo sayo sa disgrasya.
Kadalasan kasi nakakaligtaan natin gamit ang mga ilaw natin o di kaya mali ang pag gamit natin kaya naman merong mga rider na nalalapit sa kapahamakan. At minsan, nandadamay pa sila ng iba pang rider at motorista.
Hindi po dekorasyon o pampa-astig ang mga ilaw ng motor. Kaya hindi po ito dapat basta-basta pinapalitan.
Narito ang mga klase ng ilaw at tamang pag-gamit.
Ang Headlights.
Eto ay ang main na ilaw ng motor at dapat pinapailaw ito sa gabi at sa araw. Sa gabi ito ang pangunahing pagbibigay liwanag sa ating dadaanan para maiwasan natin ang ano mang sagabal sa daan. Sa umaga naman dapat nakailaw ito para mas madaling mapansin ang rider ng mga sasakyan na nasa harap nya, para hindi sya mapinahan o di kaya maipit sa biglang likuan.
Dalawa ang setting ng headlight, high beam at low beam. Ang normal dapat ay laging low beam dahil sapat na ito sa takbo sa kalye at hindi nakakasilaw sa mga kasalubong. Ang high beam ay dapat lang gamitin kung napadpad ka sa isang kalye na wala talagang konting pa-ilaw man lang at balot ng dilim.
Maling Haka-haka: Inuubos ng headlight ang baterya ng motor kaya di dapat i-on palagi para hindi masira ang baterya.
Mali po ito. Kung mabilis ma diskarga ang baterya ng motor mo, ibig sabihin palitin na ang baterya mo o dapat mo nang ipa-check ang stator at rectifier ng motor mo.
Laging tandaan, kung wala kang ilaw mas malapit ka sa disgrasya.
Ang Signal Lights.
Dalawang pares lagi ang signal light. Isang pares sa harap, isa naman sa likod. Nakakabit ito sa magkabilang bahagi ng motor at ang tanging silbi nito ay para ipaalam sa ibang motorista ang intensyon ng rider na lumiko pakaliwa o pakanan. Yan po talaga ang silbi nya.
Pero kahit na importante ang signal lights, nakakaligtaan gamitin ito ng karamihan ng mga rider. At ito ang isa sa mga sanhi ng disgrasya na pwede sana maiwasan kung gumamit lang ng signal lights.
Ang rider na pabaya, hindi ginagamit ang signal lights pag liko. Kaya naman nagugulat ang mga kasabay o kasunod ng mga motorista. Sa pagmamadali, lumiliko kaagad ang rider ng walang signal, kaya hindi rin handa ang kasunod sa ligtas na reaction. Kaya ayun, salpukan at disgrasya.
Maling Haka-haka: Dapat ipa-modify ang signal lights para maging sabay ang pag-blink nito at magamit mong hazard light tuwing maulan.
Mali po it. Kung naka-blinker ang signal lights mo, mas malilito ang mga kasunod mo sa intensyon mo sa pagliko. Ibis na mailayo ka sa disgraya, yang blinker modification mo pa ang magdadala sayo sa kapahamakan.
Laging tandaan, kung ang di pag gamit ng signal light ay senyales na malapit ka sa kapahamakan.
Ang Break Lights.
Ito ang pula at malaking ilaw sa likod ng motor. Umiilaw ito tuwing ginagamit mo ang break ng motor mo at senyales para sa mga kasunod na dapat silang mag menor upang hindi sumalpok sayo.
Pula po ang ilaw na ito para kita agad kahit malayo at otomatikong senyales ng pag-tigil o preno. At dahil dito, dapat siguraduhin na gumagana lagi ito sa bawat pag takbo ninyo – para maiwasan yung mga sitwasyong mababangga ka ng kasunod mo kung patigil ka na.
Maling Haka-haka: Dapat ipa-modify ang rear breaklight at gawing puting LED para maliwanag at kitang kita ng mga kasunod.
Mali po ito at mas delikado. Sa illegal na modification na ito, mabubulag ang mga kasunod na motorista dahil sa liwanag ng LED light at maari silang mairita sayo. Dahil puti ang ilaw, hindi nila masisiguro kung patigil ka na. Kaya naman mas malaki ang tyansang mabangga ka pa.
Laging tandaa, kung ang ilaw mo sa likod ay hindi pula, mas malapit ka sa sakuna.
Ugaling I-check ang lahat ng ilaw bago umandar.
Bantayan kung meron nang malapit na mapundi o di kaya hindi gumagana ang switch. If ganito ang napansin, dalhin mo agad ang motor mo sa pinakamalapit na Motorcentral Service Center.
Meron nag hihintay sayong expertly trained moto-technician na bihasa sa mga wiring ng brand ng motor mo. At lagi din merong available ng replacement bulb na para talaga sa model ng motor mo.
Dun ka lagi sa legit at orig na parts para wala kang kaba-kaba. Dahil dito sa Motorcentral, gusto namin laging ride safe ka, kaibigan.
#Motorcentral
#MotorcenralKaibigan
#RideSafe
#SignalLights
#Legit
#3SShops
#ServiceCenter
#PreventiveMaintenance
#Aftersales