Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.
Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.
Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.
Si Toby ay isang totoong fur daddy na may mga alagang aso’t pusa sa kanyang bahay. Nung tumama ang pandemia, medyo naging swerte sya dahil kapitbahay lang nya ang isang pet supply store. Kaya ang mga foodies ng kanyang mga furbabies ay hindi naging problema.
Pero hindi ito ang naging sitwasyon ng mga kaibigan nyan mga fur parent, dahil sa mga pina-iral na quarantine restriction sa kani-kanilang lugar, sila lahat ay nagka problema ng pagbibilhan ng kanilang pet food at iba pang pet supplies.
Kaya habang ka-chat nya ang mga ito sa kanilang FB group, inalok nya na siya na lang magdeliver ng mga pet supplies nila. Natuwa lahat at isa isa nang nag order, kinabukasan sinakay nya ang mga order ng friends nya sa luma nyang scooter at nag deliver. Bawat isa ay nag bigay sa kanya ng tip hangang nagulat na lang sya, umabot ang kita nya ng lagpas 500 pesos sa luob lang ng maghapon.
Pag uwi ng bahay, gumawa agad sya ng FB buiness page at nag post na pwede sya mag deliver ng pet supplies sa mga interesado kapalit ng maliit na delivery charge. Kinausap din nya yung pet store na kapitbahay para bigyan sya ng konting discount sa mga oorderin nya. At mula dito, napa dami nya mga customer nya. Na-trade in din nya ang luma nyang scooter para sa isang mas bago at pormado para sa kanyang bago at kumikitang negosyo.
Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.
Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.
Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.
Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.