1

Asensado Tips #7

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Aida ay isang masahista sa isang Health Spa. Magaling sya sa Swedish massage, Deep tissue and Ventusa at marami na syang mga naging regular customers na bumabalik para sa service nya.

Pero nung naimplement ang mga Quarantine restrictions, napilitan mag close muna ang spa na pinapasukan nya. Umasa pa sila ng mga kasama nya na luluwag na rin ang mga restriction at makakabalik sila sa trabaho. Kaso, mas humaba pa ang restriction, kaya nagdesisyon na lang may-ari na bigyan sila ng separation at mag-close business na lang.

Kahit malungkot si Aida sa pagka wala ng trabaho, hindi sya nawalan ng pag-asa. Dahil meron pa rin syang contact numbers ng mga regular nyang customer, nakaisip sya agad ng alternatibong paraan.
Una, sinigurado nya agad na makakapag-pavaccinate sya. Pangalawa, bumisita sila ng asawa nya sa pinaka-malapit na Motorcentral at bumili ng isang hulugang scooter. At ang pinaka-huli, gumawa sya ng FB Page at nag pm sya sa mga suki nya.

Nuong nalaman ng mga suki nya na fully vaccinated na sya, agad silang nagpa book sa kanya. Kung dati mga customer nya ang pumupunta sa spa para magpa-massage, ngayon si Aida na nagha-house call, hatid ng kanyang mister sakay sa bago nilang scooter.

Kalaunan, dumami na ang booking ni Aida. Minsan hindi na nya kayang tugunan ang schedule kaya pinayuhan nya ang isang matalik nyang kaibigan na katrabaho din dati na gayahin ang stilo nya. Sinali nya ang kaibigan sa FB page at nag hati sila sa mga booking. Sinamahan din nya ang kaibigan sa Motorcentral para makabili din ng sariling scooter.

Ngayon, natugunan ni Aida ang pangangailangan ng pamilya nya at natutulungan nya ang mga customer nya makaramdam ng ginhawa sa mga pilay, lamig-lamig, stress at pagka-ipit ng ugat. Kumikitang kabuhayan dala ng abilidad, determinasyon at kakayahang baliktarin ang pagsubok at gawing oportunidad.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#MotorcentralKaibigan

#Motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn