1

Asensado Tips #8

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.


Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.


Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.


Si Kyle ay isang highschool graduate nung magsimula ang pandemia. Bilang regalo ng magulang nya sa kanyang pagsisimula sa kolehiyo, binilhan sya ng motor.


Pero dahil nga sa mga lockdown, hindi agad ang pag pasok ni Kyle. Medyo nagka konting krisis din ang pamilya niya dahil ang Ama niya ay nawalan ng trabaho at lumiit ang panggastos ng pamilya nila.


Sa nais na makatulong sa gastusin ng pamilya, naisip si Kyle ng maliit at kakaibang negosyo na pwede nyang pasukin gamit ang kanyang motor. Sumali si Kyle sa FB community ng lugar nila at nag post sya na pwede syang bumili ng mga gustong magpabili ng cake. Nakipag ugnayan sya sa mga kilalang tindahan ng cake para din maging mabilis ang mga transaction nya.


Nag simula lang sa pa isa-isa bawat araw ang order nya. Pero sa bawat delivery, nagpopost sya ng pasasalamat. Pinapakita din nya ang “cake carrier” nya na customized top-box, na nilagyan nya ng foam at insulation, para ma protektahan ang cake na idedeliver.


Sa pag pupursigi nya, mas dumami pa ang kanyang mga order, kaya nilakihan nya ang box nya para kaya na nitong magdala ng apat na cake para mas madami ang madeliver per trip. Tapos nag announce sya ng schedule kung aling tindahan ang pupuntahan nya sa bawat araw, para alam ng mga tao kung kelan sila ooder.


Pumatok ang negosyo ni Kyle. Lumaki ang kita nya at natulungan nya magulang nya para kumita hangang nakahanap ulit ng trabaho ang tatay nya.


Ngayon, hinahati ni Kyle ang oras nya sa kolehiyo at cake delivery. Mas na-appreciate nya ang kanyang motor at sinabihan din nya ang kanyang mag kasing-edad na hindi hadlang ang pandemia sa taong nagpupursigi para kumita ng marangal.


Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.


Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.


Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.


Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.


#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn