Moto-Negosyo Ni Rain Beautician
Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.
Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.
Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.
Si Rain ay isang parlorista na sobrang naapektuhan ng mga pinairal na Quarantine restrictions. Ang kanyang parlor na pinagkukuhanan nya ng pang araw-araw na kabuhayan ay di pinayagan buksan ng barangay dahil sa banta ng virus.
At dahil gusto rin ni Rain na maging ligtas sya at kanyang mga customer, mas pinili din nya na wag na munang buksan ang kanyang parlor. Ang ginawa na lang nya ay naging malikhain sa pag patuloy ng kanyang kabuhayan.
Bumili sya ng scooter at agad pinakabitan ng top-box na inayos nya para mag lagayan ng mga gamit nya na pang gupit at ayos ng buhok. Tapos inabisuhan nya ang kanyang mga suki na ready syang magbigay ng home service.
At ayun na nga, sumigla ulit ang negosyo nya at di na sya nahirapan kumita sa pang araw-araw nya. At dahil ang iba nyang suki nag hanap pa din ng mani-pedi service, pinayuhan nya ang kanyang kumare na kumuha din sa Motorcentral ng hulugang scooter para masabayan sya sa mga house calls nya.
Ngayon, bongga-bongga ang kanyang kabuhayan at di na sya masyadong nangangamba para sa hinaharap.
Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.
Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.
Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.
Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.