Betty The Baker
Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.
Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.
Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.
Si Betty Bakery ay isang magaling na sales agent ng isang pharmaceutical company na naranas ng kakaibang bigat at stress sa trabaho nung pumasok ang Covid sa Pilipinas. Dahil ang kinaugaliang trabaho na pag bisita sa mga doctor at pharmacy ng personal ay di na pwedeng gawin dahil sa mga lockdown at protocols. Idagdag mo na din ang risk nya sa kalusugan nya dahil sa pagpunta punta sa mga hospital upang i-alok ang mga hawak niyang gamot.
Dahil sa mga restrictions at pahirap ng pandemia, humina ang benta ni Betty at iba pa nyang mga kasamahan. Pero ang naging sagot ng mga boss nya sa kumpanya ay mas lalong itaas pa ang quota nila sa bawat buwan na naging halos imposible ng maabot.
Kaya isang araw, kinausap nya ang kanyang asawa at nagdesisyon sila na bumitiw na si Betty sa trabaho at magtayo na lang ng negosyo.
Nagpudar sila sa mga kagamitan na pang bake at bumili ang asawa nya ng isang automatic scooter sa Motorcentral na gagawing pang deliver.
Pinag-aralan din ni Betty ang mga available na bakery products online at gumawa sya ng recipe na hindi pa nagagawa ng iba. Sinimulan muna nila magbenta sa village nila gamit ang online FB community na tinayo ng Homeowners Association nila. Nung pumatok ang specialty breads ni Betty, nag alok na din sya sa ibang mga community at villages na malapit sa bayan nya.
Kalaunan, hindi na kinayanan ng asawa na scooter lang ang gamit na pang deliver, kaya nagdagdag sila ng isang tri-wheel na ginagamit nila sa pangmalakasang delivery at pambili na rin ng ingredients. Pina-renovate din ng mag asawa ang isang parte ng bahay nila upang maging commissary at outlet para sa mga customers na nagpapa-order sa mga courier service.
At naging masaya si Betty, dahil wala na ang stress nya at napalitan ng kumikitang kabuhayan kahit na pandemia.
Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.
Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.
Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.
Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.