Aryan The Rescue Mechanic
Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.
Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.
Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.
Si Aryan The Rescue Mekanik ay isang Tesda-trained na mechanic ng mga kotse at naka pasok bilang service center mechanic ng isa sa mga kilalang car brands sa Metro Manila. Nung tumama ang Covid, nag desisyon sa na mag resign upang mapangalagaan ang kalusugan nya at hindi ma risk ang magulang nya na senior na nakatira sa bahay nya.
Pero hindi sya nabahala dahil bago sya nag resign, pinagplanuhan na nya agad ang kanyang gagawin.
Gamit ang kanyang ipon, pumunta sya sa pinakamalapit na Motorcentral at bumili sya ng isang business unit at pinakabitan nya agad ito ng isang top box at dalawang side box. Bumili din sya ng mga handy na mechanic tools na kasya sa mga lagayan nyang bago. Gumawa din sya ng Facebook account at nag post ng “Rescue Mechanic Anyware Service.”
Dahil marami na ring car owners ang takot pumunta ng service center para ipa maintenance ang mga kotse nila, si Ryan ngayon ang kanilang tinagawagan. Mabilis naman syang pumupunta at sineserbisan ang mga cliente sa mismong garahe nila.
Para kay Ryan, mas safe ito dahil kontrolado nya ang ginagalawan nya at todo sanitize din sya. At syempre nakatanggap din sya ng tip galing sa mga masayang car owners. Meron din mga sitwasyon na nakakatanggap sya ng emergency na tawag at sinasaklolohan nya ang mga cliente nya na nasiraan sa gitna ng daan.
Dahil sa sipag, abilidad at kakayahan umarangkada agad sa mga cliente gamit ang kanyang motor, mas nahigitan pa ni Ryan ang kita nya sa dating tinatrabahuan. At ang mas importante – safe sya sa sakit na Covid.
Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.
Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.
Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.
Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.