Moto-negosyo ni Boy Sisig.
Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.
Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.
Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.
Si Boy Sisig ay isang dating cook sa isang kilalang restobar na nag sarado nung 2020 dahil sa paghina ng negosyo. Sumubok si Boy na maghanap ng malilipatan pero dahil maraming resto na bagsak din ang kita, hindi sya makapasok kahit na magaling sya na cook.
Para di sya masyadong ma depress, sa bahay na lang sya nagluluto at pinapatikim nya ang mga na-master nya na pulutan sa mga tropa nya na nagdadala ng ingredients para sa kanya. Ang isang patok nyang putahe ay ang sisig na talaga namang na panalo sa lahat ng nakakatikim.
Pinayuhan sya ng tropa na alok ng sisig online at sya mismo magdeliver sa mga bahay bahay malapit sa kanya. Ginawa nya at nagulat sya sa dami ng order, pagluto nya sa umaga, 10:30 pa lang umiikot na sya gamit motor nya para mag deliver ng pananghaliang sisig sa village nila. Sa hapon naman nagluluto siya ulit ng isa pang batch na dinedeliver nya ng 6:30 ng gabi, sakto sa hapunan at pampulutan.
At dahil masarap ang luto nya and maagap sya mag deliver, mas kumalat ang pangalan nya at mas dumami ang order. Nag dagdag pa sya ng ibang bersyon pa ng sisig na sumikat din dahil sa sarap. Kaya naman kinuha nyang katulong ang kapatid at pinsan nya sa pagluluto at pag deliver. Pumunta pa nga sya sa isang branch ng Motorcentral para mag avail ng isa sa mga bagong old stock namin na may magandang promo price and inhouse financing.
Ngayon nakapag parehistro na sya sa DTI at tinatag na nya ang kanyang sariling brand na sisigan deliveries sa lugar nya, nakapag dagdag pa sya ng dalawa pang scooter para sa deliveries nya.
Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.
Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.
Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.
Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.