Asensado Tips #21

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Cora ay isang mananahi sa pabrika ng mga pang export na pantalon na nagsirado dahil sa pandemia. Kahit malungkot sa sinapit, walang nagawa si Cora kundi gumawa ng bagong diskarte sa buhay.

Sa naipong pera, bumili sya ng kagamitan sa pagtatahi at nag alok sya ng repair and alteration services sa bahay nya. Sa FB sya nag alok ng kanyang serbisyo at pinopost nya sa FB ang mga pics ng gawa nya.

Maraming naging interesado at kinontak sya. Meron pang iba na mas gustong magpatahi ng bagong mga damit na mas mataas ang kanyang nasisingil. At yun nga, dumami pa ang kanyang mga customer. Katunayan, kumuha pa sila ng hulugang motor ng kanyang asawa sa Motorcentral para maging pang pick up and deliver ng mga damit.

Ngayong medyo nag luwag na ng mga protocol, di na naghanap si Cora ng bagong papasukan. Mas lalo na lang pinag buti nilang mag asawa ang kanilang sastrehan.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

motorcentralkaibigan

motorcentral

asensadokakaibigan

motonegosyo

Kabuhayan

Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn