Asensado Tips #2

Moto-negosyo ni Carlo Angkas

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si “Carlo Angkas” ay isang empleyado sa Makati na naging tuloy-tuloy ang pagpasok sa opisina dahil isa sya sa mga taga-maintain ng IT equipment nila. Hindi naman yung naging problema kay Carlo dahil alam nya gano kahirap ang mawalan ng trabaho at sinisiguro nya lagi na lahat ng Anti-covid protocols ay kanyang sinusunod upang masiguro ang kanyang kalusugan.

Pero ngayong pandemia, nagkaroon din sya ng dagdag na kita sa isang simpleng sideline = ang pag angkas sa kanyang 300cc na scooter.

Dahil may isang kaibigan si Carlo na sa Makati din pumapasok pero dating mananakay ng public transport. Nag karoon ng kasunduan ang dalawa na sabay na lang sila papasok at uuwi, para hindi na rin mahirapan ang kaibigan ni Carlo sa pagcommute.

At dahil dito, nag-aambag kay Carlo ang kaibigan nya ng pang-gas araw-araw, na syang mas nagpaluwag ng budget ni Carlo. Kahit di nya sinasadya, naging moto-entrepreneur si Carlo gamit ang kanyang motor.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends