Asensado Tips #19

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Egay ay isang driver ng school service tricycle bago tumama ang Covid. Meron syang mga regular na nakaschedule na sundo at hatid na mga estudyante sa lugar nila. Kumportable na dapat ang buhay ni Egay, kaso lang biglang nawala lahat ito nung pinasara ang mga eskwelahan.

Dahil biglang naglaho ang kita ni Egay, napilitan syang ibenta ang tricycle nya upang magkaroon ng pondo sa ibang pwedeng maging negosyo. At dahil magaling syang maluto, naisipan nya i-pundar ang kinita nya sa pagbenta ng motor sa mga kagamitan at ingredients para sa pagluluto ng masarap na lutong-bahay na mga ulam.

Una nyang naging customer ay mga kapitbahay at mga pamilya ng mga sineserbisan nya. Di naglaon, dumami ng dumami na ang mga order sa kanya at nahirapan na sya sa pag deliver.

Kaya naman nagtungo sya sa Motorcentral para kumuha ng hulugang motor na magagamit sa deliveries. At dahil mas mabilis na syang makaluto at magdeliver, mas dumami pa customer nya. Kaya naman sinama na rin nya yung dalawa nyang utol na mas bata sa negosyo para sila magdeliver habang sya ang nagluluto. Ngayong kahit hindi pa rin nababalik sa eskwela ang mga estudyante, hindi na problema ni Egay ang kabuhayan nya dahil patok ang food business nya.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn