Asensado Tips #18

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Chef AC ay isang chef sa isang sikat na hotel sa Palawan nung pumutok ang pandemia. Dahil sa mga lockdown, napilitan na mag-sara at malungkot na binitawan na ang kanila mga tauhan at isa si Chef sa mga binigyan ng separation.

Nuong una medyo na depress si Chef ng pag uwi nya sa Manila, dahil nga sa nawalan sya bigla ng karera. Pero dahil nga meron naman syang natanggap na separation pay, itinuon nya ang kanyang isipan sa pagiging entrepreneur.

At dito medyo sinwerte si Chef dahil sa dati nyang trabaho marami syang naging suki na mga fresh seafood supplier sa Palawan. Tinawagan nya lahat ng mga ito at nag setup sya ng supply chain para maiparating ito sa Manila.

Tapos nagbukas si Chef ng online store para mag order ang mga tao in advance ng mga seafood. Bumili din sya ng isang motor na may box para madali nya mapick-up at madeliver ang mga pinaparating nyang mga crabs, hipon, lobster at iba pa.

Sa paglipas ng mga buwan, madaling napalago ni Chef ang kanyang puhunan, mas pinadami nya ang kanyang orders at nagdagdag pa sya ng delivery motorcycle. Kaya naman kahit na mas lumuwag na ang mga Covid restrictions, hindi na inisip ni Chef na bumalik sa Hotel industry. Mas pinalakas pa nya ang business nya sa pag offer ng 5-star style “paluto” delivery ng mga panalong seafood recipe nya.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn