Asensado Tips #17

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Lito, na mas gustong tinatawag na Lita, ay isang certified plantito bago pa man ito mauso nung panahon ng pandemic. Ang kanyang garden ay talaga naman walang tatapat, dahil sa sobrang lago ng kanyang mga alagang halaman.

Dahil sya ay may “green thumb” ay mabilis nya mapatubo at mapadami ang kahit na anong halaman na naisin nya. At katunayan, pumapantay ang hobby nya na ito sa kanyang pangalawang libangan, ang pag-vlog tungkol sa paghahalaman.

Nung nagsimulang sumikat ang pagbebenta ng halaman nung gitna ng pandemia, hinikayat ng kanyang mga kaibigan na mag-live selling sya para naman mas sumikat ang vlog channel nya.

Sinubukan naman agad ni Lito at na-enganyo sya dahil ang lakas ng benta nya. At sa dami ng bumibili at nagpapadeliver, nag isip sya na mag invest sa isang motor. Kaya naman pagkatapos ng kanyang live selling, sya na mismo ang naghahatid ng mga nabentang halaman, para makipag chikahan din sa mga suki nyang mga plantito at plantita

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn