Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.
Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.
Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.
Si Chad ay isang Sous Chef sa isang tanyag na restaurant bago nagsimula ang pandemia. Dahil sa kanyang kasipagan at galing sa pag luto, dapat mapro-promote na sya sa position ng Head Chef sa bagong resto na itatayo ng boss nya. Kaso naglaho ang panaginip nya dahil sa lockdown at pag sirado ng mga resto.
Nung una na depressed si Chad dahil matagal nyang pinaghirapan makamit ang position na yun. Pero dahil sa kailangan pa rin nyang kumita, nag isip sya ng ibang paraan para maituloy ang kanyang hanapbuhay.
Sa tulong ng mga kaibigan sa social media, tinayo nya online gourmet chef takeout business, which is basically a pre-order 5-star resto style cooking delivery service.
And to make sure his food orders get delivered on time, bumili sya ng tatlong motor sa Motorcentral at nag hire sya ng sariling mga delivery riders.
At dahil sa sarap ng kanyang gourmet cooking, mabilis dumami ang kanyang mga customer at bumalik ang sigla nya sa pagluluto.
Ngayon na lumuwag na ang mga restriction at muling nag bukas na ang restaurant ng boss nya, nakabalik na ulit sya sa trabaho. Pero ang business nya ay pinagpatuloy nya, sa pamamagitan ng mga cooks na na train nya at pag manage ng asawa nya.
Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.
Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.
Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.
Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.