Asensado Tips #14

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Al ay isang inhouse refrigiration technician ng isang fastfood chain na nawalan ng trabaho nung unang taon ng Covid lockdown. Kahit na binigyan sya ng kumpanya nya ng separation pay para sa ilang taong serbisyo, naging masakit pa rin sa kanya ang mawalan ng inaasahang sweldo ng pang tustus sa gastusin ng pamilya.

Kaya naging maingat si AL sa pag isip ng pwedeng paglagyan na negosyo ng separation pay nya para hindi ito agad na maubos. Nung panahong yun, ang kanyang asawa ay nagsimula na ng food delivery business nya mag karoon ng pang-araw-araw na pang gastos ang pamilya.

Pero imbes na ipasok nya ang pera nya sa food business, naisipan nya na gumawa ng sariling diskarte kung san sya mas bihasa – sa pagiging technician ng refrigiration systems, kung saan ang paserbis ng mga aircon ay pasok sa kanya kaalaman.

Una hakbang nya ay maging mobile – kaya naman pumasyal sya agad sa pinaka malabit na Motorcentral dealership para bumili ng hulugang motor. Pinakabitan nya agad ito ng mga box na pwedeng paglagyan ng mga tools nya para sa aircon serbis.

Sunod nyang ginawa ay magpost sa FB market at gumawa ng FB page para malaman ng mga tao papano sya ma contact. At sa tuwing meron syan nakukuha na client, nagpopost sya ng mga live videos habang ginagawa para makita ng mga tao ang pagkabihasa nya sa aircon cleaning and repair.

Di kalaunan, dumami ang kanyang mga customer. At para mapabilis ang trabaho nya, kumuha sya ng assistant na tinuruan nya sa pag kumpuni ng aircon. Bumili pa sya ng isang motor para sabay silang makabiyahe ng ligtas sa bawat serbis. At ngayon, dahil sa tuloy tuloy na negosyo, meron na syang apat na motor at tatlong empleyadong kasabay nya sa negosyong asensado.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn