Asensado Tips #12

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Sally ay isang may-ari ng maliit na japanese resto na nag sarado nung unang taon pa lang ng Covid. Pero dahil matindi ang business sense ni Sally, hindi sya nawalan ng luob sa pagsarado ng negosyo.

Dahil halos lahat ng mga regular customers ng resto nya ay friends sa facebook, madali nyang nakontak ang mga ito upang sabihin ang balak na gawing sushi delivery na lang ang kanyang negosyo.

At dahil masarap ang kanyang sushi, madaming nag advance order. Nabuhayan si Sally at nagsimula ng mag invest sa mga kagamitan. At isa sa mga sinigurado nya ay isang motor na gagamitin para sa mga deliveries nya.

Today, ang negosyo ni Sally na online sushi ay may malakas at malawak na following at mas dumami pa ang customers. Meron na rin syang apat na delivery na motor, bukod pa sa online delivery and courier service. Patunay na hindi hadlang ang matinding pagsubok para makaisip ng mga negosyong magpapaangat sa buhay.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn