Asensado Tips #11

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Jake ay isang working college student at may-ari ng isang maliit na tindahan ng meryenda. Bago mag pandemia, madalas dinadayo ang tindahan nya ng mga parokyano na naghahanap ng masarap at lutong bahay na pang snack sa umaga at hapon. Sa kinikita nya dito, natutustusan nya ang kanyang gastos sa pag-aaral.

Pero nung nagsimula ang mga lockdown, biglang naglaho ang kanyang negosyo. Di na makalabas ang mga regular nyang customer at syempre bawal na rin mga inaasahan nyang dayo. Nawala na halos lahat ng kita nya at medyo nagalala na sya.

Buti na lang sinabihan sya ng isang matalik na kaibigan na i-deliver na lang ang mga tinda nya ng door-to-door sa village nila. Sumali sya sa FB community ng kanilang village at nag post ng mga regular nyang masasarap ng snacks. At ayun, biglang nabuhay ang mga regular nyang customer at dumagsa ang order. Sumali pa sya sa ibang FB groups ng mga katabing subdivision at naka kuha pa ng ibang order.

Pero nagkaproblema ulit sya. Medyo naging mahirap mag deliver ng mabilis gamit ang luma nyang bike. Kaya naman nagpasama sya sa Tatay nya at kumuha sila ng installment na abot kayang-motor sa Motorcentral. At dahil dito mas bumilis ang deliveries nya at mas bumilis din ang kita. Ngayong medyo lumuwag na ang mga quarantine restriction, nanumbalik na ang mga tao sa labas at lumakas na ang tindahan nya. Pero syempre, ready pa rin sya magdeliver sa mga customer na gusto ang masarap na pagkain pero nagiingat pa rin laban sa Covid.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn