Asensado Tips #10

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Dencio ay isang OFW na nag-early retirement nung 2020 at umuwi ng Pilipinas bago pa sumiklab ang Covid. Isa syang engineer na nakapag-ipon at balak na lang mag-tayo ng maliit na negosyo para may paglibangan. Nung nagkaroon ng lockdown, hindi siya nabahala, pero napaisip sya kung anong negosyo ang matatayo ngayong mahirap lumabas ang mga tao.

Napansin nya na ang mga kaibigan nya at kamag-anak ay nahumaling sa mga halaman habang naka Quarantine ang kanilang mga lugar. Kaya naman agad nyang ginamit ang kaalaman nya bilang engineer at sumubok gumawa ng mga maliliit na stool na pwedeng patungan ng paso. Trabahong karpintero pero kinaaliwan nya kasi mga kakaibang disenyo ng mga plant stand ang kanyang nagawa at pinost sa Facebook.

Biglang dinagsa sya ng mga order na kanyang kinatuwa. Nag offer pa sya ng free delivery, na pinaubaya nya sa kanyang pamangkin gamit ang isang motor na binili nyang hulugan sa Motorcentral. At makalipas na ang isang taon, pumapayagpag pa ang kanyang maliit na plant stand business.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn