Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.
Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.
Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.
Ang Kwento ni Cristeta Plantita
Si “Cristeta Plantita” naman ay isang magaling na sales executive nung tumama ang pandemia. Dahil sa kagustuhan nyang ma-limit risk of exposure sa virus at mabigyan ng proteksyon ang kanyang pamilya, pinili ni Cristeta na mag early retirement na lang.
Hindi naman sya natakot sa pagkawala ng kita dahil meron syang magandang plano – ang gawing negosyo ang kanyang hobby na paghahalaman.
Ginamit nya ang pera nya na pangdagdag kagamitan sa paghahalaman, mga seedlings at paso. Nag open sya ng online selling account sa FB para maibida ang mga decorative plants nya sa madla. At syempre bumili din sya ng isang business unit sa Motorcentral na kinonvert nya na pang deliver ng mga halaman.
Swak ang motor ni Cristeta dahil tamang-tama ang lalagyan para sa mga kargada nyang paso, halaman at sako-sakong organic soil. Mas matipid din ito sa gas keysa sa kotse nya, kaya hindi mabigat sa bulsa.
Ngayon, lagpas isang taon na ang negosyo ni Cristeta at mas mabilis ang kita nya. Enjoy sya sa kanyang ginagawa kaya mas konti ang stress at mas enjoy sya dahil ito ang talagang hilig nya. At pinaka importante sa lahat, safe sya sa pandemia dahil sa doble nyang pagiingat sa pag deliver.
Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.
Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.
Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.
Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.