Asensado Tip #15

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Olga ay isang magaling na saleslady sa isang sikat na department store. Taon-taon syang humahakot ng mga award at pabuya sa galing nya sa pagbenta sa mga customer. Ngunit tulad ng iba, nung tumama na ang pandemia at pina sarado ang operations ng mga mall, isa si Olga sa nawalang ng trabaho.

Di nagpatinag, nag isip si Olga ng paraan upang makapaghanap-buhay sa gitna ng pandemia. Kaya siya ay dumiskarte at nag-isip magbukas ng isang online shop, kung saan nagbebenta sya ng items mula sa mga damit at iba pang mga anik-anik na kagamitan para sa bahay.

Sinimulan muna nya sa mga preloved items nya na damit at bag upang makaipon sya ng pangdagdag puhunan. At nung medyo lumuwag na ang mga restriction, isa si Olga sa bumiyahe papuntang Divisoria upang maghanap at mamili ng mga pwede nyang gawin paninda sa online shop nya.

Di naglaon nagamit ni Olga ang likas nyang talento sa pagbebenta at napalago nya ang kanyang negosyo. Para makatipid sa binabayad sa inaarkilahang motor at driver, kumuha na mismo si Olga ng sarili nyang hulugang motor sa Motorcentral. Ito din ang ginagamit nya pang deliver ng mga naoorder sa kanya.

Kaya lingo-lingo bumabiyahe si Olga upang mamili at paikutin ang pera nya sa diskarteng marangal. At ngayon, dahil lumago at lumakas na ang kanyang online negosyo, di na muli bumalik si Olga sa pinapasukan. Sya na ngayon ang boss sa kanyang kumikitang kabuhayan.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral

#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn