Asensado Tip #13

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Si Freda ay isang magaling manikurista at foot spa attendant sa isang beauty salon nung tumama ang Covid. At dahil sa mga lockdown, napilitan ang may ari ng salon na isarado na ang kanyang negosyong nalugi dahil hindi makapag bukas.

Nung una ay nalungkot si Freda at syempre na bahala sya kasi katuwang nga ang kanyang asawang driver sa pagtustus ng gastusin ng kanilang pamilya. Ngayong lockdown, bigla silang parehas nawalan ng pagkakakitaan.

Pero nilakasan ni Freda ang kanyang luob at isa isang tinawagan ang mga suki nya nung lumuwag na ang quarantine restrictions upang mag alok ng home service foot spa. Nung una ay mahina ang booking kasi madami pa ring takot. Kalaunan, dumami na sa kanyang mga suki ang nagpabakuna kaya naman dumami na rin ang kayang booking.

Pumunta sila ng asawa nya sa isang branch ng Motorcentral para mag avail ng mga naka promong motor na ginamit nila para mapuntahan ang mga malalayong bahay ng mga customer.

Ngayon, tuloy tuloy na ang kita ng mag-asawa, kasi naman naging masipag si Freda sa pag hanap ng mga customer online. Nag aral din si Freda na gamitin ang motor kaya naman naka balik na ulit sa pag trabaho bilang driver ang asawa nya.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

#motorcentralkaibigan

#motorcentral
#asensadokakaibigan

#motonegosyo

#Kabuhayan

#Kaibigan

Share with your friends
Share on facebook
Facebook
Share on twitter
Twitter
Share on linkedin
LinkedIn