1

Asensado #20

Ngayong halos dalawang taon ang pandemia, mas marami na sa atin ang natutong mag adjust sa pagsubok ng panahon at gumawa ng paraan upang kumita kahit na may virus.

Totoong marami sa atin ang nawalan ng trabaho at karamihan ay naghahanap ng ibang mapapasukan dahil ang opisina na pinapasukan ay naglaho na.

Pero may ilan din ang mas na challenge at umiral ang pagiging malikhain sa paghahanap ng pagkakakitaang pangdagdag. Dito sa Motorcentral ay may gusto kaming ibahagi na mga kwento ng ilang mga kaibigan nating umasenso sa pagiging biglaang moto-entrepreneur. At tiwala kami na sa kwento nila ay magbibigay pag-asa kayo sa inyong sariling hinaharap na pagsubok.

Nung nagsimula ang pandemia, maraming nawalan ng trabaho. Pero isa si Pedro na pinalad na kumita sa pamamagitan ng diskarte, tiyaga at pag-aalaga sa sarili.

Ang kanyang naging sikreto – ginawa nyang serbisyo ang pamamalengke!

Dahil hindi makalabas ang karamihan dahil sa virus, si Pedro ang nagalok na lumakad sa palengke para mamili para sa kanila. Gamit isang hiram na motor, nakaka tatlo o apat na balik si Pedro sa palengke sa luob ng isang araw para mamili at magdeliver ng mga preskong gulay at karne.

At dahil mapapagkatiwalaan si Pedro at mabilis kumilos, mas madami pa ang nagpapabili sa kanya. Isa ring stilo ni Pedro ay ang pag text sa mga suki para pag dating nya, bayad at hakot na lang ginagawa nya.

Di naglaon bumili na rin si Pedro ng sarili nyang hulugang motor. Kinabitan pa nya ito ng pinaka malaking cargo box para mas madami syang malagay na pinamalengke. At hangang ngayon, makikita si Pedro na bumibyahe araw-araw papuntang palengke – nagsisigpag sa kumikitang kabuhayan kahit sa pandemya.

Isa lang ito sa maraming kwento ng moto-negosyo na umuusbong ngayong panahon ng pandemia. Baka kayo din merong ideya o gustong subukang diskarte kung papano kikita ng marangal sa harap ng pagsubok.

Ang payo namin, subukan mo ito, kaibigan. Mapa-sideline lang o todo negosyo na, hindi ka dapat matakot makipagsaparalan. Dahil upang maging successful tayo sa ating kinakaharap ngayon ay dapat maging mas malawak ang ating isipan at imahenasyon para sa kasalukuyan.

Kung gusto mo, pasyalan mo ang isa sa mga Motorcentral branches namin at komunsulta sa aming mga sales reps. Malay mo ang “susi” pala ng bago mong pagkakakitaan ay sa amin mo lang pala matutuklasan.

Tiwala lang na aangat at malalagpasan din natin ito. At wag mawawalan ng pagasa na aasenso tayong muli, kaibigan.

motorcentralkaibigan

motorcentral

asensadokakaibigan

motonegosyo

Kabuhayan

Kaibigan

Share with your friends
Facebook
Twitter
LinkedIn