Best practice dapat ng lahat ng rider ay mag check kung may tagas o leak ang motor bago ito paandarin sa umaga. Sa ganito stilo mas maaalagaan natin ang ating motor.
Bakit kailangan gawin ito kung bago ang motor ko – ang isang pwedeng maging reaction ng karamihan. Tama ka, kadalasan, kung bago ang motor o di kaya kaka PMS pa lang nito, malaki ang chance na wala itong tagas.
Pero minsan, kung mamalasin, ay pwede pa rin magka leak ang motor mo dahil sa mga sumusunod na rason:
- May tumamang bato o ano mang bagay sa makina habang nasa biyahe ka.
- May tama o galos ang mga gasket na hindi napansin at sanhi ng mahinang tagas na maaring lumakas.
- May defective na piyesa na nakabit na dinadaluyan ng tagas.
Pero di ako mekaniko, so papano ako mag check ng leak?
Simple lang. Pag parada mo ng motor mo, pansinin agad ang cemento sa ilalim mismo ng makina mo. Kadalasan tuyo ito at walang bakas ng kahit na ano.
Kinabukasn, check mo ulit ang cemento at pansinin kung meron na ito ng bakas ng langis na natuyo. If malala ang tagas, siguradong mapapansin mong parang basa ang cemento.
If may bakas nga try mo silipin ang pinagmulan ng tagas, katapat usually ito ng gitna ng nagmapang bakas ng langis. Pwede mo rin kapain para malaman kung parang basa ang parte ng makina.
Once maconfirm mo na meron ngang leak, wag mo na ipagpabukas at dalhin na agad sa pinaka malapit na Motorcentral Service Center.
Bakit ko gagawin yun? Gastos lang. Dagdagan ko na lang ulit ng langis – eto naman ang palusot ng iba.
Delikado ang ganitong maling pananaw. Maaring maging sanhi ng paglala ng problema ng makina ng motor mo dahil sa pagtitipid. Kalaunan, mas mapapamahal pa ang gastos mo, dahil ang kakulangan ng langis ay pwedeng sanhi ng pagkasira ng mga piyesa sa luob ng makina mo.
Kaya pag may leak, kahit mahina, ipa service mo na agad. At wag sa tabi tabing “moto-repair” shop lang. Baka kung ano pang maling stilo ng pagkumpuni ang gawin sa motor mo, o di kaya kabitan ka ng fake na parts na pansamantagal lang ang serbisyo at mas lalo kang ipapahamak.
Dito sa amin mo na agad dalhin ang motor mo, kaibigan. Kahit hindi mo binili sa Motorcentral, pwede mo pa rin ma enjoy ang expert mechanic service at legit parts para sa motor mo. Kumpleto din sa mga tamang tools para todong maingatan ang motor mo.
Tandaan, ang gusto lang namin ay Ride Safe ka lagi, kaibigan.